Thursday, December 9, 2010

Ang mga gagawin ng Guardians sa taong 2011...Part - 1

Bukang Liwayway sa ating buhay-taong 2011...ano po ang ibig sabihin nito...sa nakalipas na panahon, ang mga Guardians ay kalimitang mayroong mga iringan ngunit hindi naman nag-aaway, bilang at dahil sa pagiging miyembro ng kapatiran...sa dinami-dami ng Guardians na may isandaan at dalawanpung faction (More or less)na may humigit kumulang na labindalawang milyong miyembro...ay maitatanong natin...ano na naman kaya ang gagawin ng mga Guardians sa pagpasok ng taong 2011...kudeta kaya...away, gulo, payabangan, o sunod-sunuran sa kanilang Supremo sa mga balang naisin...at magmukhang alipin ang mga may mabababang rango....

Sa sarili ko na sumumpa sa Diyos at Bayan...na gagawin ang lahat ng bagay na makakatulong sa ating bansa at lipunan...ay ano ba ang mga balakin ko bilang isang Guardians...makisali sa gulo, o magpakatino dahil sa sinumpaan...

Sa pagtatayo ko ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." na may pitong Guardians na Director at ilang sibilyan ay nasabi ko na mapapaunlad namin itong Foundation dahil mas marami ang Guardians na katulad ko na sumumpa na tutulong at ipagtatangol ang mga kababayan...na siya ko ng mithiin noon pang ako ay hindi pa nabibilang sa mga Guardians...pero hindi pala ganoon kadali ang maipon at makumbinsi ang mga Guardians para tumulong sa "Foundation"...may kanya-kanya ding silang supremo....ang ibang mga paksyon na ayaw maibabawan...na sila na ang pinaka-magaling, pinaka-tikas, at pinaka-matalino.....

Sa paglala ng pag-init ng panahon na nagdudulot ng pagbabago ng klima...ay mayroon ding pagbabagong nagaganap sa mga Guardians...ang isa-isip ang pagkakaisa...sa pagtulong sa bayan...pero nawawala ang pagtulong sa kalikasan....

Sa ibang banda....naisip ko din na.... hindi ko din sila mabibigla na mahikayat sa pagtulong sa ating kalikasan...bilang isang miyembro ng kapatiran...at isang makakalikasan....pero pakiramdam ko lagi akong tinutulungan at inaalalayan ng ating "Diyos" dahil nakilala ko at naging kaibigan si Atty. Antonio De Guia o "NF Tony"...siya ngayon ang "Prime Minister" ng Guardians Brotherhood, Inc., ang pang-apat sa pinakamataas sa paksyon ng GBI...na siyang unang-unang nagtayo ng Organisasyon ng Guardians ...kaya ating maiisip na pang-apat siya sa labindalawang milyong miyembro ng kapatiran ng Guardians...napakalaki na ng pag-asa ko na mapagkaisa ang lahat ng "Guardians"...sa pamamagitan ni "NF Tony" at ng aking "Foundation"...ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc."...."Ang Pagka-kaisa sa Kapatiran ng mga Guardians"...

Sakali man na mapagkaisa na....ano naman ang gagawin...mahirap sabihin pero totoo, marami sa ating mga kapatid na Guardians ang hindi sapat ang kinikita para bumuhay ng pamilya...ang iba ay nawalan ng trabaho dahil sa pagpasok ng kontraktuwalisasyon sa ating bansa (Isa na ako)...at ang iba nama'y walang makuhang trabaho.....

Sa dami ng problema sa kalikasan ay wala halos naibibigay na solosyon ang mga makakalikasang grupo, mga sangay ng gobyerno, at mga kumpanya...kaya patuloy ang pagkamatay ng ating kalikasan.....

Daang libong katao ang kailangan nating mangagagawa para gawin ang mga bagay na tutulong sa ating namamatay na kalikasan...at araw-araw na pagtra-trabaho...wala hong makakalikasang grupo ang kayang gumawa niyan kung iisipin ang lagi na nilang sinasabing pagbo-boluntaryo...ng mga miyembro....may mga pamilya din iyan kaya ang nangyayari ay minsan isang taon...nagbibigay ng halaga o nagbabayad pa....para sumama sa event at sila ang magtratrabaho....samantalang ang mga nanga-ngasiwa ay pakuya-kuyakoy sa isang sulok pag wala pa ang media...nagpapaganda o nagpapapogi habang nag-iintay ng interview....

Ang pangarap ng mga Guardians na kasapi sa "Foundation" ay trabahuhin ang mga bagay na sumisira ng ating kalikasan...sa tulong ng mga sangay ng gobyerno, mga kumpanya, mga organisasyon at foundation na may pondo..dahil sila ang mga may kapatid na kumpanya...o mga ginagamit ng mga kumpanya para pambawas ng kanilang mga buwis sa pamahalaan....

Ang pangarap naman ng ating "Foundation" ay turuan lahat ang mga walang pinagkakakitaan nating mga kababayan...maging Guardians man o hindi...at gawing mga "Environmental Experts" o eksperto sa kalikasan...sa dami ng problema sa kalikasan...baka makapagpapadala pa tayo ng mangagagawa (Environmental Experts)na tutulong sa kalikasan sa labas ng bansa, at ng umunlad na ng husto ang ating bansa at mga kababayan...hindi ng iilan lang na mga makapangyarihang tao...

Sa pagkakagawa natin ng grupong "KALIKASAN AT "WIKANG FILIPINO"" sa facebook ay dumarami ang ating kakamping Guardians...na lagi kong ipinagpapasalamat sa ating "Panginoong Diyos"...na alam kong tutulong sa akin bilang isa nilang kapatid sa Guardians...na gawin ang mga dapat gawin para sa ating kalikasan at sa ating mamamayan dahil iyon ang sinumpaan namin....ang magturo ng mga dapat nating gawin para sa bayan.....

Magturo at hindi magpayabangan...dahil hindi tayo sumumpa para magpayabangan.... kapatiran at hindi awayan.....sa mga Miyembro ng Guardians...igalang natin ang kasagraduhan ng ating tattoo sa balikat....alam natin ang kahulugan ng bawa't letra ng "GUARDIANS"...di ho ba....

Kaya...sana, sa pagpasok ng "Bagong Taon"... tayo na po at magkaisa...magtuturo po ang inyong lingkod...si "Founder Jimrey" sa ating mga kapatid na Guardians, at gayundin sa kababayan nating gustong sumapi sa ating "Foundation" na gawin at mga dapat gawin para sa ating kalikasan...at bayan.....sa pagpasok ng "Bagong Taon" tayo na po at magkaisa.....upang matamasa naman natin, ang "Bukang-Liwayway sa ating buhay...sa taong 2011.....


PAUNAWA; KUNG NAIS MALAMAN ANG PAGSAPI SA ATING "FOUNDATION' AY I-KLIK LANG PO ANG LINK SA IBABA NG GSGWFI-PAGIGING MIYEMBRO, SALAMAT PO AT MABUHAY KAYO! GSGWFI